Cabagan, Isabela – Inaresto kahapon ang isang empleyado ng gobyerno sa Brgy. Centro, Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Spo3 Roda Albano, ang Womens Desk Officer ng PNP Cabagan na kinilala ang akusado na si John Anthony Paguirigan, empleyado ng DENR sa Tugeugarao City, Cagayan, tatlumpu’t limang taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Luquillu, Cabagan, Isabela.
Inireklamo umano ng asawa si John Paguirigan dahil sa pagtataksil nito kamakailan at kahapon ay lumabas ang waarant of arrest nito na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus ng RTC Branch 22 Cabagan Isabela na kaagad na nakapaglagak ng piyansang pitumpu’t dalawang libong piso para sa pansamantalang kalayaan.
Ayon pa kay SPO3 Albano nagsampa parin umano ng kaparehong reklamo ang asawa ni Paguirigan sa pribadong abogado dahil sa nais umano na mas madaliang kaparusahan sa ginagawang kalokohan ng asawa.