EMPLEYADO NG ISANG GUN STORE NA NAGBEBENTA NG HINDI DOKUMENTADONG BARIL, ARESTADO

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Migs Guns & Ammo dahil umano sa pagbebenta ng mga baril na walang kaukulang dokumento sa kasalukuyan nitong tinitirahan sa Centro 10, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagbenta umano ang suspek sa isang operatiba ng isang yunit ng sub-machine gun (Ingram) Shooters X9 9mm na may isang magazine na wala man lang kasamang dokumento kapalit ng labing walong libong piso (P18,000).

Kaugnay nito, nakumpiska sa direktang pag-iingat ng suspek ang isang cellphone at boodle money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at Omnibus Election Code.

Facebook Comments