Empleyado ng isang Local Government Unit sa Santiago City, arestado sa buy bust operation ng mga otoridad

Santiago City, Isabela – Arestado ang isang empleyado ng LGU Santiago dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

Nakilala ang naaresto na si Jimmy Dela Cruz, korentay singko anyos, may asawa at nakatalaga sa tanggapan ni City Vice Mayor Alvin Abaya.

Nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga kasapi ng Santiago City Police Office at nakuha sa pag-iingat ni Dela Cruz ang isang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.


Nakumpiska din sa kaniya sa isinagawang body search ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 si Dela Cruz.
DZXL558

Facebook Comments