Kinasuhan na ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District o QCPD ang isang company driver ng isang TV network matapos maaresto dahil sa pag iingat ng illegal drugs.
Ayon kay station 10 Commander PLt. Col. Louise Benjie Tremor kasong paglabag sa dangerous drugs act ang isinampa laban kay Eric Dato, alias Dats, 42 anyos at company driver ng ABS-CBN TV network, at nakatira sa Ph15 tower A Victoria Tower, Panay Ave., Brgy. South Triangle.
Base sa ulat ng pulisya inareõsto si Dato sa isang restaurant sa Eugenio Lopez st. Corner Tomas Morato Ave., matapos mahulog ng hindi niya namalayan ang kanyang pouch o maliit na bag.
Dinampot ito ng isang restaurant crew at itinurnover sa kanyang manager subalit ng buksan nakitaan ito ng 3 sachets ng shabu, 2 plastic straws na may traces ng shabu at isang gunting.
Ipinagbigay alam nila ito sa barangay officials at ng bumalik si Dato sa restuarant para hanapin ang nalaglag na bag , pinabuksan muna sa kanya ang dalang sling bag at nakitaan pa ito ng 2 tablet ng ecstasy, 1 pang tablet ng party drug, cellphone, improvised burner, P640.00 cash at drug paraphernalia, dahil dito, pinigil na siya ng mga umarestong barangay officials at isinuko sa pulisya.