Empleyado ng LGU, arestado ng NBI matapos manuhol ng negosyante

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation–Olongapo District Office (NBI-OLDO) si Roche Arcala Delos Reyes, empleyado ng City Planning and Development Office (CPDO) ng Olongapo City Hall.

Ayon sa NBI nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa isang negosyante na pinagbantaan umano ni Delos Reyes at ng kasamahan nitong si Edward Apostol na hindi maaaprubahan ang kanyang building permit kung hindi gagamit architectural at engineering firm.

Nang hindi sumunod, pinatawan umano siya ng higit P98,000 na malayo sa itinakdang legal fees na wala pang P30,000.

Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI noon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Delos Reyes.

Si Delos Reyes ay kasalukuyang nakapiit at nahaharap sa inquest proceedings, habang iniimbestigahan pa ang posibleng pananagutan ni Edward Apostol.

Mahaharap ito sa kasong robbery extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).

Facebook Comments