Bahay ng MPDC Employee at Sasakyan ng Bise Mayor sa Sta. Maria Isabela, Pinagbabaril!

228

Sta. Maria, Isabela – Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang empleyado ng  Municipal Planning and Develoment Coordinator (MPDC) at sasakyan ng vice mayor  sa brgy. San Antonio, Sta. Maria, Isabela.


Ayon kay SPO1 Zaldy Babaran, ang imbestigador ng PNP Sta. Maria, kinilala ang biktima at may-ari ng bahay na si Maria Conception Toda, MPCD ng nasabing bayan kasama sina Vice Mayor Danilo Sy Masigan at kapatid ni Toda na si Gerald Cabauatan.

Sinabi pa Spo1 Zaldy Babaran, na palabas umano ng bahay sina Vice Mayor Masigan at Gerald Cabauatan mula sa bahay ni Toda nang bigla umanong pumasok sa gate ang dalawang suspek at tinutukan ng baril ang isang caretaker na kasalukuyang nagbubukas ng gate.

Aniya,pinaputukan ng dalawang nakaboneteng mga suspek ang bintana ng bahay ni Toda maging ang sasakyan ni Masigan at agad na umalis ang mga suspek na umano’y nasa anim na katao.
Wala naman umanong nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente at sa pagresponde ng SOCO team ay narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang mga basyo ng bala ng dalawang caliber 45 at isang 12 gauge shot gun.
Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan lalo na sa motibo ng pamamaril kung ito ay may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon.

Facebook Comments