Empleyado ng munisipyo sa bayan ng Labangan, Zamboanga Del Sur – huli sa isinagawang buy bust operation ng PDEA at Provincial Intelligence Branch

Zamboanga Del Sur, Philippines -Arestado sa isinagawang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Branch at Philippine Drug Enforcement Agency ang isang casual employee sa bayan ng Labangan, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ang suspek na si Macalawan Solaiman, 33-anyos, nakatira sa Barangay Tapodoc sa naturang bayan, limang sachet ng pinaniniwalaang droga ang narekober ng mga pulis at ang P500.00 marked money mula sa suspek.

Sa ngayon ay nakakulong na ito sa locked up cell ng Labangan MPS at isasailalim naman sa eksaminasyon ang mga pinaniniwalaang droga na narekober.
DZXL558


Facebook Comments