EMPLEYADO NG REGION 1 MEDICAL CENTER NA NABAKUNAHAN KONTRA COVID19, UMABOT NA SA 95%

14

Umabot na sa 95% na mga empleyado ng Region 1 Medical Center ang bakunado na ng Covid-19 vaccine.

Sinabi ni R1MC Medical Director Dr. Joseph Roland Mejia, karamihan sa mga empleyado na nakatanggap ng bakuna ay protektado na umano sa mas malalang epekto ng COVID19.


Kung sakali man umanong tamaan ang mga medical frontliners ng R1MC ay malaki ang pagkakataon na hindi na sila makakaramdam ng mas malalang sintomas.

Ang mga hindi pa bakunado ng Covid-19 vaccine ay posibleng makaranas ng severe symptoms ang naturukan na ay maaaring maging asymptomatic na lamang o makaranas ng mild symptoms.

Samantala, ang mga natitirang ilang empleyado na hindi pa bakunado ay mga buntis o may underlying conditions.

Facebook Comments