Empleyado ng Valencia City Hall sa Bukidnon at kanyang kapatid, inaresto ng PNP-CIDG matapos makuhaan ng mga baril at pampasabog

Nakakulong na ngayon ang human resource management officer ng Valencia City Hall na si Abe Porras Gillaco, 40 anyos at kanyang kapatid na si Hernalito Porras Gillaco, 52 anyos.

Ito matapos makuhaan nang napakaraming mga baril, pampasabog at bala katulad ng isang 12-gauge shotgun, isang caliber 9mm pistol at dalawang caliber .45 pistols sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Sa ulat ng PNP-CIDG, si Abe Gillaco ay supporter umano ng communist terrorist group, iba pang political aspirant at kandidato kaugnay sa katatapos lamang na halalan.


Siya rin daw ang sikretong bumibili ng loose firearms para magamit ng mga political personalities sa Bukidnon.

Sa ngayon ay nakakulong ang magkapatid sa detention facility ng CIDG-Bukidnon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives laban sa dalawa sa Office of the City Prosecutor, Valencia City, Bukidnon.

Facebook Comments