EMPLEYADO NG WATER REFILLING STATION SA SAN CARLOS CITY, PINAGBABARIL

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa naganap na pamamaril sa isang empleyado ng Water Refilling Station sa San Carlos City.
Ang biktima ay nakilalang si Michael Ramos residente ng Brgy. Malacanang sa nasabing Lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, kakarating lang sa kanilang trabaho ang biktima mag aalas otso ng Umaga ng ito ay lapitan at pagbabarilin ng isang lalaking angkas sa motor.

Bunsod nito ay nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan habang tumakas ang mga suspek sakay ng motor.
Inaalam pa ngayon ng PNP ang motibo ng pamamaril maging pagkakakilanlan ng mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments