Empleyado sa Quezon, Isabela, Patay Matapos Pagbabarilin!

36

Quezon, Isabela- Patay ang isang empleyado ng Local Government Unit sa bayan ng Quezon, Isabela matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa National Highway ng Barangay Samonte, Quezon Isabela kamakailan.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Al Geroni Padilla, tatlumpu’t isang taong gulang, walang asawa, empleyado ng nasabing munisipyo at residente ng Barangay Arellano, Quezon Isabela.

Batay sa paunang imbestigasyon ng PNP Quezon, Hinihintay ng biktima ang kanyang mga kasamahan sa isang waiting shed upang dumalo sa isang Fun Bike nang bigla siyang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan at agad na tumakas patungong katimugang bahagi ng naturang bayan.

Napag-alaman din ng PNP Quezon na dahil umano sa Love triangle ang naging motibo sa pagpaslang kay Padilla.

Narekober din mula sa katawan ng biktima ang isang bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril na pinaniniwalaang naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng kapulisan hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments