
Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na mapalalakas ng pinahusay na Senior High School (SHS) work immersion program ang employability o kakayahan sa trabaho ng mga SHS graduate.
Ayon kay Gatchalian, panahon na para tiyakin na mararamdaman ng mga kababayan ang benepisyo ng pagkakaroon ng SHS lalo na sa aspeto ng kahandaan ng mga mag-aaral sa trabaho.
Para naman mas mapahusay pa ang kahandaan sa trabaho ng mga SHS graduate, ihahain ni Gatchalian ang Batang Magaling Act sa pagbubukas ng 20th Congress.
Layon ng panukalang ito na maihanay ang iniaalok ng SHS curricular at ang pagsasanay sa trabaho sa pangangailangan ng mga industriya.
Nasa 14 na mga paaralan ang lalahok sa pilot testing ng SHS work immersion program na layong pagbutihin pa ang employability ng mga K-12 graduate.









