Employees association ng NFA, balak harangin ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law

Manila, Philippines – Plano ng mga manggagawa ng National Food Authority (NFA) na dumulog sa Korte Suprema para harangin ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Ito ay dahil sa posibilidad na aabot sa 4,000 empleyado ng NFA ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad ang Rice Import Liberalization Law.

Ayon kay NFA Employees Association Central Office President Maximo Torda, pinag-iisipan na nilang maghain ng kaso sa Kataas-taasang Hukuman dahil maituturing itong paglabag sa kanilang security of tenure right.


Aniya, halos 100% ng mga manggagawa ay permanent at career government workers.

Para sa rank and file employees ng NFA, ang pagpasasabatas nito ay magreresulta ng tuluyang pagbuwag sa NFA.

Sa ilalim ng batas, ang NFA ay malilimitahan na lamang sa buffer stocking para sa kalamidad at sakuna.

Facebook Comments