Employees Compensation Commission, nagbigay ng 2.3 milyong piso sa mga sundalo sa Marawi City

Marawi City – Iinihayag ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglaan ng mahigit 2 punto 3 milyong pisong pondo ang Employees Compensation Commission (ECC) para sa mga sundalo na nasugatan o nasawi sa bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan Banawis, nagbigay ng mahigit isa punto pitong daang milyong piso ang EC disability benefits habang 640 libong piso naman para sa EC death benefits na idinaan sa GSIS.

Naglabas ang ECC ng Board Resolution No. 17-06-22 para sa mabilis na pagproseso ng EC benefit para sa mga miyembro ng PNP at ng AFP na nasaktan o nasawi sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi.


Paliwanag ni Banawis, ang ECC ay nagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawang nagkasakit, nasaktan at namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin kung saan ipinaalala ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas at malusog na lugar na paggawa.

Facebook Comments