
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na kakasuhan nito ang employer ng Pinay Overseas Filipino Worker o OFW na nakaranas ng psychological trauma sa Saudi Arabia.
Ayon sa DMW, naospital muna ang naturang OFW bago ito nakauwi ng Pilipinas dahil sa dinanas na matinding kalbaryo sa kamay ng kanyang employer.
Ang Pinay OFW ay personal na nagtungo sa DMW para humingi ng tulong kaya siya ay pinagkalooban ng financial at legal aid.
Tiniyak din ng DMW na bibigyan din ng medical assistance ang anak ng Pinay, bukod pa sa scholarship na magmumula sa Overseas Workers Welfare Administration.
Nangako rin ang DMW na tutulungan ang OFW sa kanyang muling pagbangon.
Facebook Comments