Employers’ Confederation of the Philippines, hindi pabor na muling itaas sa Alert Level 2 ang Metro Manila

Hindi nakikita ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pangangailangang itaas sa Alert Level 2 ang status ng Metro Manila dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis na kahit tumaas pa ang mga kaso ang epekto naman ng COVID-19 ay mild lamang.

Aniya, mas marami pang mayroong trangkaso at non-COVID diseases ang mga nasa pagamutan ngayon kaysa sa COVID-19 patients.


Ang mahalaga ani Ortiz ay wag mapuno ang mga ospital, dagdagan ang healthcare facilities at patuloy paring sundin ang minimum public health standards.

Kasunod nito, nagpasaring si Ortiz sa ilang indibidwal na tila nananakot lamang at hindi matanggap na unti-unti na tayong bumabalik sa normal.

Giit nito, hindi na kaya pa ng gobyerno na muling isara ang ekonomiya sapagkat wala nang ibibigay na ayuda sa pinaka-apektadong mga pamilya.

Facebook Comments