Employers Confederation of the Philippines, nanindigan na malabo ang “no vaccine, no work” policy

Nanindigan ang Employers Confederation of the Philippines na hindi posible ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga opisina.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na malabo ang ganito lalo na’t kaunti pa lamang naman ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Iginiit ni Ortiz na maaari lamang ang ganitong set-up kung may available na bakuna ang kumpanya na pwedeng iturok sa mga empleyado.


kaugnay pa nito, sinabi ni Ortiz na secondary lamang ang pagbabakuna lalo na’t hindi naman pinapapasok sa mga trabaho ang mga empleyadong may sintomas ng COVID-19 vaccine.

Samantala, pagdating naman sa bilang ng mga Pilipinong nakabalik na sa trabaho ay marami pa rin aniya sa ngayon ang wala dahil sa kakulangan ng transportasyon lalo na sa mga nakatira sa mga probinsya.

Facebook Comments