Tinutulan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang rekomendasyon ng OCTA Research Team na magpatupad ng ‘circuit-breaker lockdown’ sa NCR para mapigilan ang lalong pagkalat ng Delta variant.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., wala namang accountability sa magiging resulta ng lockdown ang OCTA.
Aniya, hindi na kailangang mag-lockdown kung kaya namang tugunan ng health care system ng bansa ang panibagong pagtaas sa kaso ng COVID-19.
Ayon naman kay Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Acting President Edgardo Lacson, magiging mapanganib sa ekonomiya ang muling pagpapatupad ng lockdown kung saan daan-daang libong trabaho na naman ang posibleng mawala.
Sa halip, hinimok ng PCCI ang gobyerno na tutukan ang pagpapabilis sa vaccination program para maabot ang herd immunity at tuluyan nang mabuksan ang ekonomiya.