Employers’ group, umapela sa gobyerno na ibalik na ang lahat ng public transportation kasabay ng pagbabalik-operasyon ng mga negosyo

Hinimok ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang gobyerno na ibalik na ang lahat ng mga public transportation kasabay ng pagbabalik-operasyon ng mga negosyo “in full capacity”.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., kahit nagbukas na ang mga negosyo, marami pa ring manggagawa ang hindi nakakapasok dahil walang masakyan.

Aniya, hindi naman kaya ng maliliit na kumpanya na makapagbigay ng shuttle services sa mga empleyado nito.


Dagdag pa ni Ortiz-Luis, kahit payagan nang makabiyahe ang lahat ng public transport ay kulang pa rin ito dahil sa ipinatutupad na physical distancing.

Giit niya, mahalagang maibigay ng gobyerno ang lahat ng ayuda para makapasok sa trabaho ang mga empleyado.

Facebook Comments