Employers sa Hong Kong, apektado sa ban ng flight ng PAL at CebuPac doon

Inamin ng Hong Kong Union of Employment agencies na pasakit ngayon sa employers sa Hong Kong ang maraming isyu sa pagpapapunta ng Filipino domestic workers doon.

Sa harap ito ng ban ng Hong Kong government sa biyahe roon ng Philippine Airlines at Cebu Pacific.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong ang ilang OFWs na mula sa Pilipinas.


Ayon kay Thomas Chan, Chairperson ng Hong Kong Union of Employment agencies, sa ngayon ay Cathay Pacific lamang ang may biyahe ng Manila – Hong Kong – Manila.

Sinabi ni Chan na hindi naman kakayanin ng employers ang sobrang mahal na airfare sa Cathay Pacific.

Aniya, ang halaga ng pamasahe sa nasabing airline ay katumbas ng pitong beses na presyo ng isang flight.

Dahil sa pagkakaipit sa Pilipinas ng Pinoy household workers, napipilitan na lamang ang Hong Kong employers na kumuha ng ibang foreign domestic workers doon.

Facebook Comments