Employment program para sa mga estudyante at out-of-school youth, binuksan na ng Quezon City LGU

Tumatanggap na ng applicants ang Quezon City Public Employment Service Office (PESO) para sa Special Program for Employment of Students and Out-of-School Youth (SPES).

Para maging kwalipikado, kailangang nasa edad na 15 hanggang 30 ang aplikante at residente ng Quezon City.

Sinumang interesado ay mag-register lamang online o ‘di kaya ay sa pamamagitan ng QR code.


Paalala pa ng PESO na tumatanggap sila ng aplikante sa pamamagitan ng first come, first serve basis.

Hindi rin papayagan ang mga walk in applicants ng hindi nakapag-online registration.

Facebook Comments