EMPLOYMENT RATE SA BAYAN NG BALUNGAO, TARGET PANG PATAASIN; JOB FAIR CARAVAN, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

Target pang pataasin ng lokal na pamahalaan ng Balungao ang employment rate ng bayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Job Fair at mga oportunidad na magbubukas ng trabaho para sa mga nasasakupan nito.
Alinsunod dito, matagumpay na naisagawa ang ginanap na Job Fair Caravan sa bayan, ayon mismo ito sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Mayor Ma. Theresa Peralta.
Ito ay sa pakikipagpag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng bayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na may layong mailapit sa mga residente ang oportunidad na magkaroon ng trabaho.

Nilahukan ang nasabing aktibidad ng mga local at ilang overseas ng companies na tinangkilik ng mga residente sa bayan ng Balungao.
Bukod naman sa Job Fair Caravan, isa pang makatutulong sa pagbibigay ng oportunidad sa mga residenteng nais magtrabaho ang pagbubukas ng mga agricultural programs sa ilalim na pinaplanong convergence project tulad ng mga agribusiness, planong pagpapatayo ng Rice Processing Center, Milk Industry partikular ang pagproduce ng gatas mula sa kalabaw, at malawakang coffee plantation.
Ipinahayag din ng alkalde ang kanyang suporta sa mga residente kaugnay naman sa maaaring kailanganing assistance ng mga ito tulad ng pagprocess ng mga papeles at visa na ilalapit sa katuwang na mga ahensya. |ifmnews
Facebook Comments