EMPLOYMENT RATE SA ILOCOS REGION, TUMAAS

Tumaas ang employment rate sa Region 1 ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) Region 1.

 

Sa tala ng ahensya, nakita ang pagtaas sa ikaapat na kwarter nitong nakaraang taon na nasa 96.7% mula sa 94.5% sa ikatlong kwarter.

 

Sa datos, mula sa 2, 093, 000 katao na may trabaho noong 3rd quarter, nadagdagan pa ito at umabot sa 2, 214, 000 ang naging employed sa huling bahagi ng nakaraang taon.

 

Ilan sa nakitang salik kung bakit tumaas ang employment rate sa rehiyon ay ang mga nagsipagtapos na mga college students na nagsipaghanap ng trabaho at iba pa.

 

Sa tulong naman ng iba pang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment o DOLE, katuwang ang mga lokal na gobyerno at Pamahalaang Panlalawigan ay patuloy na umaarangkada ang mga jobs fair upang makapagbigay oportunidad sa mga residenteng naghahanap ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments