Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapataas ng employment rate sa mining sektor.
Direktiba ni Pangulong Marcos na isinusulong na ang streamlining sa mining operations sa bansa para mapalago ang industriya.
Ayon pa sa pangulo, naglunsad na ang pamahalaan ng Virtual One-Stop-Shop upang masiguro ang episyente, transparent, at pag-angat ng sektor ng pagmimina.
Nakikita kasi ng economic managers na isa ang sektor ng pagmimina sa kailangang palakasin upang makasabay sa iba pang industriya tungo sa pagsulong ng bansa.
Tiniyak naman ng pangulo na lahat ng sektor ay magkaroon ng dekalidad na trabaho para sa pag-unlad ng bansa at mga Pilipino.
Facebook Comments