Enchong Dee, namigay ng tulong sa 600 pamilya sa Maynila

37

Aabot sa 600 pamilya ang nabigyan ng tulong ng aktor na si Enchong Dee katuwang ang Mundo Design.

Kasabay ito ng anniversary celebration ng kaniyang business na Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar na matatagpuan sa Market Market sa Taguig.


Sa Instagram account ng aktor, ibinahagi nito ang mga realizations kung saan kailangang isakripisyo ang sariling interes at tugunan ang pangangailangan ng publiko.

Nasa mabuti naman kasi aniyang kalagayan ang kaniyang negosyo kaya tama lang na mamahagi rin ng blessing sa iba.

Nagpasalamat naman ang aktor sa kaniyang mga empleyado na patuloy na sumusuporta sa kaniyang business.

Facebook Comments