Endangered green sea turtle, patay sa tama ng speargun

166
Photos by Haron Deo Vargas on Facebook

Namatay ang batang green sea turtle na natagpuan sa Boracay na may tama ng bala ng speargun sa kaliwang palikpik nito.

Ibinahagi sa Facebook ng marine biologist na si Haron Deo Vargas ang sinapit ng green sea turtle na nagtamo ng malalim na sugat na umabot raw sa internal organs nito.


Kaya noong nabubuhay pa, may dugo na lumalabas sa tama nito tuwing gumagalaw.

Mayroon din daw nagtanggal sa balang nakatusok dito nang dinala na sa dalapasigan na ayon kay Vargas ay hindi magandang ideya at delikado.

Sinubukan pang isalba ang pagong ngunit ikinamatay nito ang malubhang injury kinabukasan.

Hindi pa natutukoy kung sinong bumaril sa green sea turtle na ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN), ay endagered na raw o nanganganib nang maubos.

Facebook Comments

From Advertisers