ENDANGERED HAWKSBILL SEA TURTLE NA NARESCUE SA BACNOTAN, LA UNION, PINAKAWALAN NA

Nakabalik na sa karagatan kahapon ang isang endangered hawksbill sea turtle na naisalba ng mga lokal sa Bacnotan, La Union matapos ang higit isang linggong rehabilitasyon.
Natagpuan ang nanghihinang pagong noong May 6 at agad isinailalim sa gamutan hanggang sa unti-unting nakarecover.
Sa ilang araw na pananatili nito sa sea turtle conservation protection program, nakitaan ang dumi nito ng nasa 25 piraso ng plastic at styrofoam na maaaring isang dahilan ng panghihina nito.
Ang hawksbill sea turtle ay madaling matukoy mula sa ibang specie ng pagong dahil sa bibig nito na hugis tuka. Itinuturing na critically endangered ang hawksbill sea turtle dahil sa patuloy na pagbaba ng populasyon nito sa mundo dahil sa pagkawala ng pamugaran o nesting habitat.
Hinimok ng isang environmental conservation organisation ang publiko sa pagiging responsable sa mga basurang itinatapon na nakakaapekto sa mga marine species. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments