Sa pakipagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Apayao at Kabugao at ng Philippine Eagle Foundation (PEF) at mga concerned citizens, nailigtas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nag-iisang “critically endangered” na Philippine eagle.
Dinala ng team ang distressed eagle sa Laoag City para isailalim sa x-ray.
Batay sa resulta ng medical assessment, tatlong bala ng air gun ang nakuha sa balat ng agila.
Gumawa na ng isang mas angkop na rehabilitation pen ang Kabugao at Apayao LGU sa Brgy. Bulu.
Inilipat na rin ang agila mula sa Laoag City patungong Brgy. Bulu, Kabugao, Apayao para sa pansamantalang rehabilitasyon.
Masusi na ngayon itong sinusubaybayan ng mga tauhan ng PEF at ng mga tauhan mula sa DENR Apayao, CENRO Calanasan at CENRO Conner.