ENDANGERED SPECIES | Halos 300 pawikan, natagpuang patay sa Mexico

Mexico – Nadiskubre ng mga mangingisda ang nasa halos 300 patay na pawikan sa Southern Mexico.

Ang mga olive ridley turtles ay natagpuan sa karagatan ng Oaxaca State.

Itinuturing na endangered species ang mga pawikan na kilala sa pangingitlog sa mga dalampasigan ng Mexico sa pagitan ng buwan ng Mayo at Setyembre.


Hindi pa malinaw kung paano namatay ang nasabing mga pawikan.

Facebook Comments