Endangered species-inspired gowns, nilikha ng isang Pinoy Fashion Designer

Pinag-uusapan ng social media ang compilation ng mga gown design na hango sa ilang endangered species sa Pilipinas.

Hindi mong aakalaing ang mga ito ay mula sa isang young Filipino Fashion Designer na si Joshua Asuncion.

Sa Facebook page na “Artsuncion,” napukaw nito ang atensyon at umani ng positibong komento mula sa mga netizens.


Kabilang sa mga tampok na disenyo ng kanyang mga gown ay mga endangered species tulad ng Tarsier, Dugong, Philippine Eagle; Palawan Peacock Phesants, Hawksbill Turtles, Mindoro Tamaraw, Visayan-Spotted Dear, Walden’s Hornbill, at Mindoro-Negros Bleeding Heart.

Layunin nito na walang balat, balahibo o pakpak mula sa mga hayop ang ginagamit bilang materyal sa paggawa ng mga kasuotan.

Posibleng gamitin ang mga ito bilang National Costume ng Pilipinas para sa susunod na Miss Universe Pageant.

Nagpapasalamat si Asuncion sa mga netizens na nakaka-appreciate ng kanyang mga design.

Ibinahagi ni Asuncion sa Facebook na nagsimula siyang mangarap na maging Fashion Designer noong siya pa ay Six years old.

Nagpa-practices siya sa pagdisenyo ng mga gown gamit ang mga hiniram na color pencils.

Facebook Comments