Hindi pa nakikita ng Department of Health (DOH) ang endemic ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi pa kasi nila tiyak kung magiging stable na ang kaso ng infection sa bansa.
Aniya, bagama’t napababa ang COVID cases sa bansa, wala pa aniyang katiyakan kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso.
Hindi rin aniya nila masabi kung may bagong variant pang darating.
Kinontra rin ni Vergeire ang pahayag ng OCTA Research na nasa low risk na ang Metro Manila
Aniya, bagama’t patuloy na bumababa ang kaso sa National Capital Region, nasa moderate risk pa rin ang NCR.
Facebook Comments