ENDO | Ilang labor groups, ikinadismaya ang pinirmahang EO laban sa kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Dismayado ang ilang labor groups sa Executive Order na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag babawal sa kontraktwalisasyon.

Ayon kay Associated Labor Unions Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, hindi maaalis ng Executive Order o EO ang mga manpower agency.

Aniya, bersyon ng mga negosyante ang nanaig at hindi ang kanilang bersyon.


Tiniyak naman ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Chairman Donald Dee, nasusunduin muna nila ang mga utos na nakapaloob sa EO.

Sabi naman ni Special Assistant to the President Bong Go, dahil sa EO ay naging positibo at matibay ang katayuan ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga mangggawa.

Itatama aniya nito ang hindi balanseng interes ng employer at ng employee.

Pero kinakailangan pa ring maamyenda ang kaukulang batas para rito sa pamamagitan pagsuporta sa security of tenure bill na nasa kongreso.

Paglilinaw naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang pagbabawalan lamang ng EO ay ang mga illegal contracting at subcontracting kung saan ito ang mga trabaho na outsourced, seasonal o project based.

Facebook Comments