Endo, maaaring masolusyunan sa loob ng 6 na taon

Manila, Philippines – Tiwala si House Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon na kayang tuldukan ng pamahalaan ang ‘endo’ o end of contract scheme sa sektor ng paggawa sa loob ng anim na taon.

Isa sa solusyon na nakikita ng kongresista ay kung bubuksan para sa mga manggagawa ang 264,000 vacant plantilla positions sa gobyerno.

Aniya, 40% ng problema sa endo ang maaaring masolusyunan ngayong taon kung bubuksan ng pamahalaan ang kanilang mga bakanteng posisyon.


Mula July 31, 2018 ay nasa 264,000 authorized government positions ang hindi pa napupunuan.

Inirekomenda din nito ang paglikha ng 80,000 regular positions sa public office kada taon mula 2020 hanggang 2024 upang tuluyang makawala sa endo ang 660,000 contractuals at casual employees sa bansa.

Umapela din ang mambabatas sa Civil Service Commission o CSC na ayusin na ang injustice sa mga manggagawa dulot ng patuloy na pag-iral ng endo at kontraktwalisasyon gaya ng ginawang pagtugon sa libreng edukasyon at health care.

Facebook Comments