ENDO | Malacañang, iginiit na ang pag-amyenda sa batas ang magpapawakas ng kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Wala ng lalagdaang Executive Order (EO) si Pangulong Duterte laban sa ‘ENDO’ o End of Contract.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinatigan ng Pangulo ang posisyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hayaan na lamang ang kongreso na magpasa ng batas para rito.

Nilinaw naman ni Bello na patuloy pa rin nilang ipaglalaban ang pagtapos ng kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng security of tenure bill na nasa senado.


Parehas lamang aniya ang nilalaman nito sa EO pero mas mabibigyan nito ng proteksiyon ang mga manggagawa dahil may kaakibat din itong parusa sa lalabag na employers.

Sa ilalim ng labor-only contracting, sa halip na contractor ang direktang may hawak sa mga manggagawang ipinasok sa isang kompanya, mismong ang kompanya na ang may kontrol sa pagtatrabaho ng mga manggagawa ng contractor.

Facebook Comments