ENDO | Panukala na tutugon sa endo, pasado na sa ikalawang pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na solusyon sa endo ng mga manggagawa sa bansa.

Sa House Bill 6908, palalakasin ang Security of Tenure ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Labor Code.

Ayon kay House Labor Committee Vice Chairman Vicente Veloso nasa P2-M manggagawa ang agad na makikinabang dito.


Ipinagbabawal sa ilalim ng panukala ang Labor-Only Contracting.

Itinatakda naman sa mga job contractors ang pagkuha ng lisensya mula sa Department of Labor and Employment.

Ituturing na ding illegal dismissal sa isang empleyado ang hindi pagbibigay dito ng due process.

Dagdag pa dito, ang mga probationary employees na nakapagserbisyo na ng isang buwan ay kailangan nang bigyan ng termination pay na katumbas ng kalahating buwang sahod.

Facebook Comments