ENDO | Senator Villanueva, kumbinsidong kailangan ng batas para mapahinto ang kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Kumbinsido si Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na kailangang ang batas para matuldukan ang hindi makatwirang kontraktwalisasyon.

Kaugnay nito ay inihayag ni Villanueva na isinasapinal na nila ang committee report para sa panukalang magbabawal sa kontraktwalisasyon.

Ang problema, ayon kay Villanueva, hanggang ngayon ay wala pa ring isinusumite ang Department of Labor And Employment na kongkretong posisyon kaugnay dito.


Ipinunto ni Villanueva na hindi naman sila maaring magpasa ng batas na base lamang sa mga news item o balita.

Ipinaliwanag pa ni Villanueva na mahalaga ang inputs mula sa Labor Department para masiguro na magiging operational at epektibo ang ipapasa nilang batas.

Inaasahan din ni Villanueva na ang Executive Order ukol dito ang magbibigay ng batayan o malinaw na patakaran para sa pagpapatupad ng pambansang polisiya laban sa kontraktwalisasyon.

Facebook Comments