MANILA – Nangako si Sen. Grace Poe na bubuwagin ang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa sa ilalim ng “gobyernong may puso” nang hindi malagay sa alanganin at masakripisyo ang kapakanan ng mga negosyante sa bansa.Sa ginanap na Presidential Debate, kahapon, tinanong ni Carlos Miguel Francisco, isang contractual worker, ang mga tumatakbong presidente kung paano nila mahihinto ang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa.Ayon sa Senadora, pabababain niya ang ipinapataw na corporate tax sa mga negosyo para hindi mauwi sa pagkalugi ang mga ito sakaling ipahinto ang tinatawag na “end of contract” o “endo.”Aniya, importante na bigyan din ng suporta ang magtatayo ng negosyo sa ating bansa pero ang prayoridad ng “gobyernong may puso” ay ang pinakamahihirap nating kababayan.
Endo, Wawakasan Ng Gobyernong May Puso
Facebook Comments