Energy conservation law, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapatupad ng plano para makatipid ang bansa sa paggamit ng kuryente.

 

Ayon ng Republic Act No. 1285 o ang energy and conservation law na i-promote ang paggawa at paggamit ng mga renewable energy technology para masiguro ang power supply stability ng bansa.

 

Sa ilalim nito, bubuuin ang National Energy Efficiency and conservation plan na magsisilbing national framework para sa mga program tungkol sa energy efficiency at conservation.


 

Pangungunahan ng Department of Energy ang implementasyon ng batas.

 

Gayunman, inaatasan pa rin nito ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tiyakin ang wastong paggamit ng kuryente sa kani-kanilang opisina at pasilidad.

Facebook Comments