Energy Department, dumepensa sa reklamo sa Ombudsman laban sa paglabag umano ng DOE sa coal moratorium

Dumepensa ang Department of Energy (DOE) sa isyu ng pinaiiral na coal moratorium.

Kasunod ito ng pagsasampa ng grupong Power for People Coalition (P4P) ng reklamong graft sa Office of the Ombudsman laban kay Energy Secretary Raphael Lotilla.

Bunga raw ito ng paglabag ni Lotilla sa coal moratorium, kung saan pinaboran umano nito ang AboitizPower power plant expansion sa Toledo City, Cebu.


Sa depensa ng DOE, iginiit nito na ang Coal Moratorium Policy na inisyu noong December 2020 ay hindi raw total ban.

Hindi rin anila sakop ng polisiya ang existing at operational coal-fired power generation facilities, gayundin ang coal-fired power projects.

Facebook Comments