Energy Department, ipinag-utos na ang pag-inspeksyon sa NGCP  

Ipinag-utos na ng Department of Energy (DOE) ang pag-inspeksyon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Paniniwala kasi ni Energy Sec. Alfonso Cusi, kayang isabotahe mula sa labas ng bansa ang daloy ng kuryente ng Pilipinas.

Taliwas ito sa naunang pahayag ng NGCP na hindi kayang patayin ng china ang Power Grid ng bansa.


Kinuwestyon ni National Transmission Corp. President, Atty. Melvin Matibag ang access ng Presidente ng NGCP na si Anthony Almeda sa Security Code ng Transmission Grid na may implikasyon sa seguridad ng bansa.

Kaya nais ng DOE na magkaroon ng regular na inspeksyon na hinaharang umano ng NGCP at Systems Audit ng ahensya.

Samantala, kinumpirma naman ni NGCP Spokesperson, Atty. Cynthia alabanza na natanggap nila ang sulat pero susuriin muna nila ito para malaman kung naaayon ito sa Concession Agreement.

Nanindigan naman ang NGCP na hindi pwedeng makontrol ang Grid mula sa labas ng pasilidad dahil may sarili itong Systema at Security Protocol na hindi kailangan ng internet.

Facebook Comments