Energy Department, kinumpirmang may kinalaman sa muling pagsiklab ng sagupaan ng Russia at Ukraine ang malaking pagtaas sa presyo ng langis

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may kinalaman ang muling pagsiklab ng Russia-Ukraine conflict sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa DOE, nakaapekto ang naturang sagupaan sa Russian refining infrastructure kung saan 17% ng processing capacity nito ang naapektuhan.

Gayundin ang pinsala sa Druzhba pipeline na naka-apekto sa European energy flows.

Tinukoy din ng Energy Department ang paggalaw ng benchmark prices ng Dubai at Mean of Platts Singapore (MOPS).

Sa anunsyo ng OPEC+ , magiging 137,000 barrels kada araw na lamang ang kanilang magiging produksyon simula sa susunod na buwan

Ito ay mas mababa kumpara sa 400,000 bariles kada araw na naging produksyon ng OPEC+.

Tiniyak naman ng DOE sa publiko na patuloy nitong imo-monitor ang galaw ng presyo ng langis sa global market at patuloy na makikipag-ugnayan sa industry stakeholders para maibsan ang epekto nito sa consumers.

Nanawagan din ang Energy Department sa mga motorista na magtipid sa gasolina kabilang na ang pagplano sa kanilang biyahe at ang pagsasailalim sa maintenance sa kanilang sasakyan.

Facebook Comments