Energy Department, nag-iimbak na ng langis sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Leon

Nagsimula nang mag-imbak ang Department of Energy (DOE) ng langis sa mga lugar na posibleng tamaan ng Bagyong Leon.

Kabilang dito ang Regions 1, 2 , 3, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, at Region 6.

Ayon sa DOE, ang naturang mga lugar ay posibleng tamaan ng malakas na pag-ulan.


Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang Energy Department sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, minamadali na rin ang pagkumpuni sa mga nasirang linya ng kuryente sa Bicol region.

Binibilisan na rin aniya ang pagtugon sa kakulangan ng supply ng langis sa Bicol region.

Sa ngayon aniya, limang team na ng DOE ang nasa ground zero para i-monitor ang galaw ng supply ng langis sa Bicol region.

Facebook Comments