Energy Department, nakaalerto pa rin sa mga electric cooperative na apektado matapos tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental

Nakaalerto pa rin ang Energy Department sa apat na electric cooperative na naapektuhan matapos na tumama ang 7.5 na lindol sa Davao Oriental.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nag-trip o nag-disconnect kanina ang Davao Light Power Company, Cagayan Electric Power Company, Cotabato Light Power Company at Davao Oriental Electric Cooperative.

Aniya, iniinspeksyon na nila kung mayroon bang damage sa mga linya.

Patuloy umano nilang ina-assess ang posible pang pinsala ng lindol dahil sa posibleng aftershocks.

Nakikipag-coordinate na rin sila sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para malaman kung mayroong naapektuhan na transmission lines sa Mindanao.

Samantala, nakahanda naman na ang task force group at naka-activate pa rin para naman umalalay sa pagsasaayos kung may iba pang naapektuhan na power supply.

Facebook Comments