Energy department, tiniyak ang kanilang contingency measures sa harap ng kakapusan sa supply ng kuryente

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang contingency measures para maiwasan ang brownouts.

Tiniyak ito ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan sa harap ng pinangangambahang posibleng brownout dahil sa tumataas na demand ng kuryente at pagpalya ng mga planta sa harap ng El Niño phenomenon.

Sa ngayon aniya, nagsasagawa na ang DOE ng ilang pagbabago sa plano lalo na’t bukod sa mas maagang tumaas ang demand sa kuryente.


Maliban dito, lumampas din ng halos 100 megawatts ang naging demand ng kuryente kumpara sa projection ng ahensya.

Ipinaliwanag ni Asec. Marasigan na ang pagtaas ng demand sa kuryente ay karaniwang nangyayari tuwing katapusan ng Mayo o Hunyo.

Gayunman, April 24 pa lamang aniya ay umabot na ito sa peak demand.

Facebook Comments