Saturday, March 28, 2026

“Energy lockdown” sa bansa, malabo pa —Malacañang

Walang nakikitang dahilan ang Malacañang para magdeklara ng energy lockdown sa gitna ng banta sa suplay ng langis sa bansa dahil sa tensyon sa Middle East.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tuloy-tuloy ang hakbang ng pamahalaan upang masigurong may sapat na suplay ng langis ang bansa.

Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa para magkaroon ng alternatibong mapagkukunan.

Ayon naman sa Department of Energy (DOE), nakikipag-usap na sila sa mga bansang hindi nakaasa sa Middle East, tulad ng India, Argentina, at Canada, para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay.

Tugon ito sa pangamba na maaaring maulit ang krisis noong dekada ’70 kung saan nagkaroon ng kakulangan sa langis at kinailangang magrasyon ng petrolyo.

Binigyang-diin ng Malacañang na ayaw nilang umabot sa “worst-case scenario,” kaya maaga pa lang ay naghahanda na sila upang maprotektahan ang suplay ng enerhiya sa bansa.

Facebook Comments