Energy Regulatory Commission, binigyan lang ng P1,000 budget sa 2018

Manila, Philippines – Binigyan lang ng Kamara ng isang libong pisong pondo ang Energy Regulatory Commission para sa 2018.

Sa debate ng budget sa plenaryo, itinulak ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat ang approval ng katiting na budget ng ERC.

Sinang-ayunan naman ng Minorya ang kapiranggot na pondo sa ahensya at wala ni isa sa mga kongresista ang humadlang dito.


Wala namang ibinigay na dahilan si Lobregat kung bakit 1,000 lang ang budget na ibinigay sa ERC pero matatandaan na balot ang ahensya ng ibat ibang kontrobersiya.

Kasama dito ang umano’y pagpasok sa mga midnight deals na nagpataas ng presyo ng koryente at ang pagpapakamatay ng isang Direktor nito matapos na mapressure para aprubahan ang isang iregular na kontrata para sa info ad ng ahensiya.

Ang 2018 proposed budget ng ERC ay nasa 474 million pesos pero isang libo lamang ang inaprubahan ng Kamara.

Facebook Comments