Energy Regulatory Commission, umapela na maibalik ang ibinawas na pondo sakanila ng DBM

Ipinarerekonsidera ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera sa Kamara na maibalik ang tinapyas sa kanila na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program (NEP).

Sa orihinal na proposed budget ng ERC para sa 2022, P987.458 million ang kanilang hinihinging pondo ngunit P586.516 million lang ang inaprubahan ng DBM.

Giit ni Devanadera sa nagpapatuloy na budget hearing sa Kamara, mas mababa ng 41% sa original proposed budget ang ibinibigay na pondo sa kanila ng DBM at mas mababa rin ito ng 42% mula sa 2021 budget na aabot sa P1.006 billion.


Paliwanag ni Devanadera sa House Committee on Appropriations panel, kailangan na maibalik ang kinaltas na pondo sa kanila ng DBM lalo na at maraming hamon na kinaharap ang ahensya dahil sa pandemya.

Bunsod aniya ng COVID-19 pandemic ay mas maraming technical work ang kinakailangang gawin tulad ng pag-biyahe para sa regular visits sa mga lalawigan, inspection, meter testing, repairs, maintenance, pagsasaayos ng mga office equipment, hiring ng technical employees at iba pa.

Facebook Comments