
Pinaghahanda na Department of Energy (DOE) ang energy stakeholders, kabilang na ang power at oil sectors kaugnay ng banta ng Tropical Depression Opong.
Ito ay lalo na’t inaasahan na may dalang malakas na mga pag-ulan at hangin ang Bagyong Opong, na inaasahang tatama sa maraming rehiyon sa Luzon sa susunod na 24 hanggang 48 na oras.
Tinukoy ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, Chairman ng Task Force on Energy Resiliency, ang pagpapalakas sa transmission at distribution infrastructure.
Ayon kay Fuentebella, mahalagang matiyak ang wind resistance at structural integrity ng power lines sa panahon ng bagyo.
Pinatitiyak din ng Energy Department na may sapat na supply ng petrolyo sa Bicol Region na pinangangambahang kabilang sa dadaanan ng bagyo.
Layon nito na matiyak na hindi na mauulit ang pagkaputol ng supply ng langis sa Bicol tulad ng nangyari noong Bagyong Kristine noong nakalipas na taon.









