Energy supply at iba pa, ipinahahanda sa pamahalaan sakaling pumutok ng tuluyan ang Bulkang Taal

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na paghandaan ang posibleng pagputok ng Bulkang Taal.

Partikular na pinahahanda ni Salceda sa national government ang energy supply, industrial continuity, emergency response, at economic relief bilang tugon sa posibleng eruption ng Taal Volcano.

Babala pa ng house tax chief na higit na maaapektuhan ng nagbabadyang pagsabog ng bulkan ang manufacturing at energy sectors.


Paliwanag ni Salceda, ang mga nabanggit na industriya ay concentrated o matatagpuan lamang sa mga lugar na malapit sa Taal kaya dapat na may contingencies na nakalatag para dito.

Karamihan aniya sa mga natural gas power plants gayundin ang mga geothermal, coal, at biomass power plants ay matatagpuan sa Batangas.

Dagdag pa ni Salceda, kailangan ngayon pa lamang ay maihanda at matukoy na ang mga power generators mula sa labas ng Taal na pwedeng ma-i-tap o magamit para punan ang demand sa kuryente sakaling tuluyang pumutok ang bulkan.

Facebook Comments