ENERGY SUPPLY | DOE hinikayat ang mga Japanese investors na mamuhunan sa liquefied natural gas hub

Manila, Philippines – Hihikayatin ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng natural na gas sa Japan na mamuhunan sa liquefied natural gas hub terminal project sa Pilipinas.

Ito ay dahil na rin sa inaasahang pagka-ubos ng Malampaya Gas Field sa 2022.

Ang mga opisyal mula sa Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ay nasa Tokyo, Japan bilang bahagi ng delegasyon ng bansa sa ikalimang regular meeting ng Philippines-Japan High-Level Committee on Infrastructure at Economic Cooperation.


Sinabi ni Cusi, ang strategic location ng Pilipinas, pati na rin ang patas at competitive playing field policy para sa natural gas ang hihikayat sa mga namumuhunan na makilahok sa LNG terminal project.

Sa ngayon, ang natural gas mula sa Malampaya gas field sa Palawan ay nagbibigay ng mga kinakailangan fuel requirements ng limang gas-fired power plants, na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas, na may pinagsamang kapasidad ng 3,211 megawatts.

Idinagdag pa ng kalihim ang pagtatayo ng strategic natural gas facilities, na kinabibilangan ng LNG receiving terminals at distribution pipeline ay kinakailangan upang matiyak ang seguridad at diversity ng energy supply sa Pilipinas.

Nagbibigay din ito ng opsyon upang palawakin ang paggamit ng natural gas sa Pilipinas.

Facebook Comments